Saturday, August 8, 2009

Bitin

Kanina, sumagi saking isipan
Nasan ka, kamusta na kaya
Anong bago? Kumain na kaya?
Sumagi din kaya sayo, kung kamusta na ako.

Ikot ng mundo'y pilit diniktahan
Mundong ating ginawa iyong nilisan
Pagibig na sinubuka'y nabitin lang
Nalunod at ngayo'y pilit umaahon
Sa luhang dumaloy
Parang tayo'y napaglaruan

Sa bawat idlip, ikay nakatingin
Ngunit pag gising, inisip na muling humimbing
Ng ang oras na tumigil
maituloy kahit di na magising

Lihim na pilit itinatago, di maaamin
Na hanggang ngayon, ikaw parin ang iibigin
Pag ibig na nadarama di na yata magbabago

Saya na yong dinala
Di na ba madarama?
Yakap na aking nadama
na sa akin nagbigay saya

No comments:

Post a Comment